Luna lyrics - Christian Bautista

Nakatitig sa buwan
Nag-iisa, nag-aabang
Umikot na ang mundo
Naiwang tulala sa 'yo

Kinakausap ang mga bituin
Oras, araw, panahon na bitin
Hanggang kailan kaya
Hahanapin ang wala?

Tinakpan na ng ulap ang ating pintuan
Pagbibigyan pa ba ang munting kahilingan
Na makasama kahit 'di na pwede?

Hawakan na lang ang ating gabi
Alaalang 'di maitabi

Nakatitig sa buwan
Nag-iisa, nag-aabang
Umikot na ang mundo
Naiwang tulala sa 'yo

Tinakpan na ng ulap ang ating pintuan
Pagbibigyan pa ba ang munting kahilingan
Na makasama kahit 'di na pwede?

Tinakpan na ng luha ang aking mga mata
Pagbibigyan pa kaya ang ating nakaraan?
Oh, kay saya kahit 'di na pwede
Oh, kahit 'di na pwede

Hawakan na lang ang ating gabi
Alaalang 'di maitabi
Yayakapin na lang ang ating gabi
Alaalang 'di maitabi

No comments:

Post a Comment

Followers